Saturday, August 4, 2012

Ang Dapat Maunawaan ng mga Tao


ITONG kaligayahan, na naramdaman na noong dating panahon ng ating nunu-nunuan na mga kapwa, noong hindi pa nakakarating sa mga taong ito ang pekeng kaligayahan, ay hindi natatagpuan sa lubos na kayamanan at kapangyarihan. Kasama niya ang kalayaan at lalung-lalo na ang kakuntentuhan, sila ay hinahanap at inaasam ng mga tao, mabilis ang paglaho ng lahat ng bagay, kaya't dahil dito'y pansamantala ang kaligayahan ng iba. Bata't matanda at lahat ng mga tao ay gustong maranasan at nagnanais ng totoong kaligayahan nating mga tao.
Dumating ang kasarilihan at hindi-kakuntetuhan na nangeengganyo. Sa masama nilang balakna diumano, tayo'y dadalhin sa lalong kaligayahan, at lalong papabutihin ang ating buhay, ang nasabing mga ugali ay nangyaring nakikita sa paligid ng kanilang kasama sa lipunan. Gayon man, sila'y nakaloob sa natural na kaugalian ng mga tao na pagandahin at paunlarin ang kanilang sarili sa pamamagitan ng maraming bagay na tulad ng tagumpay sa kani-kanilang mga buhay, at yao'y ginagawa at hinahabol nilang hangarin , tulad ng pera at kayamanan na hindi nagtatagal sa mundo. Ito'y siyang kinapapaguran na bonggang-bongga ng taong makasarili at ni Juan dela Cruz na nagbibigay ng kalungkutan sa kanya.
Buhat nang ito'y malamanay aysugapa  na ngayon sa kayamanan, kapangyarihan, kagandahan na ang kagaya ni Juan ay ating hinahanap sa lubos na kasaganaan; ating pagmamay-ari at kayamanan, kahit alam natin ang totoo at tunay. Inaasam natin ang yaman, kapangyarihan at material na bagay ng buhay sa pagkasilaw sa kanila; gusto natin ng marami na mga bagay na ayaw pumayag na sa kanila ay makuntento, at gayon din naman naaakit tayo sa mga materyal at mga bagay na pansamantala na nagbibigay sa kanila nitong kaligayahan.
Ngayon, sa lahat ng ito, ano ang sa mga inaasam nating bagay ang mayroong kaligayahang ibinigay sa ating buhay? Ano ang nakikita nating “fullfillment” sa kanilang kahalagahan na siyang naging dahilan ng ating pagkasakim? Wala kundi pawang lumilipas na kasiyahan ang ganti sa ating mga gusto. At ang mga pagtupad sa kanilang ipinangakong tayo ay lalong sasaya sa kanila? Bagkus tayo'y nabubulag, naaakit tayo sa kanilang pansamantala na kahalagahan, pinilit na binabago ang tunay at magandang kahulugan ng ating totoong kaligayahan. Iminulat tayo sa maraming kakaibang paniniwala at ipinalaki sa mundo ng kasakiman ang murang kaisipan ng ating kabataan.
At kung tayo'y maging malungkot ng kahit sandali na , ang nagiging epekto ay ang tayo'y nalalayo at umiiwas sa piling ng ating minamahal na mga kaibigan, kapamilya at kapuso. Ang bawat isang tao na dumaan sa ating buhay ay itinuturing na isang mahalagang kayamanan at isang elemento ng tunay na kaligayahan.
Ngayon, gusto nang lipunan na lumigaya sa ating katayuan. Ngayon, lagi nang iniisip ang ating pangangailangan ng mabuti na makasarili at sakim, malungkot at gusto ng tao na yumaman, sugapaat mga naghahanap ng mga walang saysay ng mga bagay na basura.
Ngayon, tayo'y nahaharap na sa kakaibang sitwasyon ng lipunan sa mundao na wala ng kaligayahan, sa kaguluhan ng buhay na wala ng kasiyahan, na ang bawat tao ay umaasa ng isang walang kwenta na mundo  sa lupang tinitirhan ng ating kapwa kababayan. Ngayon, lalo't lalo tayong naloloko ng pekeng kalihayahan, sa bawat bagay may kakuntentuhan dapat.
Ano ang nararapat nating isipin?
Ang kaligayahan ng tao na natatagpuan sa kalooban ay malinaw na itinuturo sa ating mga matang malaong nabulagan ang landas na dapat nating tunguhin. Ang kasiyahan niya'y tanglaw sa ating mga mata upang makita natin ang mga tunay na bagay ng kamatayang alay sa atin ng mga ganid na asal.
Itinuturo ng katwiran na wala tayong iba pang maaantay kundi lalo't lalong kahirapan, lalo't lalong kataksilan, lalo't lalong kaalipustaan, at lalo't lalong kaalipinan.
Itinuturo ng katwiran na huwag nating sayangin ang panahon sa pag-asa sa ipinangakong kaginhawahan na hindi darating at hindi mangyayari.
Itinuturo ng lipunan na tayo'y magsikumparahan sa ating kapwa at huwag makuntento sa meron ang ating ikasasaya.
Itinuturo ng katwiran na tayo'y magpakasakim, maghangad at malungkot, at tayo'y magkalakas na kumuha ng bagay ang tao  sa ating lipunan.
Panahon na ngayong dapat na lumitaw ang liwanag ng kasiyahan.
Panahon nang dapat nating pahalagahan na tayo'y may sariling pamilya, may buhay, may sapat at di nagkukulang.
Ngayon, panahon nang dapat simulan ang paghahanap ng mga tunay at walang hangang bagay na makapag-aalis sa makasariling ggusto na bumubulag sa ating puso. Panahon na ngayong dapat mlaman ng mga tao ang pinagmulan ng kanilang kakuntentuhan. Araw na itong dapat kilalanin na sa bawat hangarin natin ay makuntato tayo at maligayahan sa bagayna binigay ng Diyos na sa atin ay pinagkaloob.
Kaya, O mga klasmeyt! Ating hanapin ang tunay na kaligayahan, at ipaglaban sa lipunan ang ating saloobin sa tunay at lubos na pag-asa na katotohanan sa minimithing kasiyahan ng buhay na pinakaiingat-ingatan.


No comments:

Post a Comment